Biyernes, Hulyo 1, 2011

Kamusta sa mga taong marunong bumasa ng tagalog.(para sa mga pilipino).

Nakatutuwang isipin na gumigising tayo tuwing umaga na malaya at payapa. Walang banta sa pang araw-araw na buhay. Para sa mga salat sa yaman, kahirapan na ang pinaka matinding pagsubok sa buhay. Para sa mayaman, mag nanakaw ang matindi nilang kalaban. Sa araw-araw nga naman na ginawa ng maykapal di, hindi tayo nakapag papasalamat na nabubuhay tayo ng matiwasay at walang pangamba sa ating buhay.

Lately, may napanood akong isang video. akala ko sex scandal kasi pinag uumpukan sya ng mga classmates kong mga lalaki. Nakaka alarma, mas malala pa pala ito sa inaakala ko. 'di ko lubos mawari na may ganoong klase ng tao (oo, mas brutal pa sa iniisp mo).isa ng syang SCANDAL...SCANDAL ng PILIPINAS...mga NPA, walang habas na pumapatay...I was wrong ng mag decide na wag na kumuha ng kopya ng video dahil sa ka-brutal-an, sana pala kinuha ko nalang sya para maipakita sa marami kung gaano ka lagim ang ngyari sa lima nilang biktima na pawang walang mga alam. sariwa pa sa alaala ko ang mga ngyari sa mindanao.

Limang lalaki na walang malay sa mga magyayari sa kanila.

sa tansta ko, nasa gitna sila ng gubat. masyado kasing maraming talahib at napaka tataas. isa-isa silang dinadala sa kaloob-looban ng gubat at dun na nila ginagawa ang pag paslang. para lang silang mga manok na kakatayinn. dadasalan muna bago patayin. maayos naman ang usapan ng bihag at ng NPA na naka takip ang mukha, akala ko kung ano lang ng padapain sa damo ang nasabing lalaki...my gosh...is it true?Feeling ko nabading ako sa mga nakita ko.ang tunay na lalaki dapat hindi tumitili, pero swear pare, kahit barako mapapatili sa video na un...(pasintabi sa maaarte at mahina ang sikmura). imagine-in mo ung lalaking pina dapa sa lupa,  tapos inangat ng bahagya nung NPA ung ulo nya...dont forget na naka dapa sya ha at medyo naka angat ung ulo nya!ito kasi ung part na hindi talaga ako maka get over bakit kailangan ganun? nagulat ako ng ilabas nung lalaki ung mahaba nyang itak saka dahan-dahang pina daan sa leeg nya(bumibigat talaga pakiramdam ko pag naiisip ko un, namatay ng walang dahilan yung mga bihag nila). syempre di sya maka palag sa sakit dahil naka gapos din sya. kitang-kita ko sa mukha nya ang sakit na nararamdaman nya sa pag hihiwalay ng leeg nya. shit men, dahan-dahan pa talaga nyang hinihiwa na parang ulo lang ng manok na tinatanggal sa katawan nya...ano manlang na isang tagpas nalang para tapos agad...mas gugustuhin pa ng sino man na mabaril kesa ang ganun...tinamaan ng lintik talagang gusto pa nila na unti-unting mag hirap mga bihag nila bago patayin...habang pinanonood ko yun naiisip ko, alam ba ng pamahalaan 'yun?I hear NPA several times but I'm not interested with them. wala naman silang matutulong sa akin, but when i watched that video, I Realize wala nga talaga silang matutulong sa akin...hehehe...but seriously, kung wala man silang matutulong sa akin, baka ako mero?kahit sa simpleng pag sisiwalat ng mga trahedyang ngyayari sa mga kapwa natin pilipino.

sana maka abot ito sa mga naka tataas na may kakayahang gumawa ng kasyon, ako bilang maliit na mamamayan, ang magbahagi lang ng mga bagay-bagay na nakikita ko sa mga taong di ito nakikita ang kaya ko ibigay. sana ikaw din. sana kaya mo din ipakita ang pagiging maka pilipino mo sa pamamagitan ng pag bahagi nito sa mga kakilala mo at di lang sa pag su-suot ng T-shirt na maka pilipino.



Trade mark na yata nila ang pag pugot ng ulo